dzme1530.ph

15 KATAO, SUGATAN SA 2 PAGSABOG SA BUS STOPS SA JERUSALEM

Sugatan ang labing limang katao sa magkasunod na pagsabog sa bus stops sa Jerusalem, Israel.
Sa ulat ng Israeli Police, unang sumabog ang isang itinanim na bomba sa isang bus station malapit sa city exit.
Matapos ang tatlumpung minuto ay sinundan ito ng isa pang pagsabog sa bus stop sa isang Urban Settlement.
Pinaniniwalaang Palestinian Militants ang nasa likod ng mga pagsabog sa harap ng sumiklab na panibagong tensyon sa pinagaagawang West Bank.
Pinuri naman ng Palestinian Militant Group na hamas ang pambobomba ngunit hindi nila inako ang pag-atake.

About The Author