Tinatayang 140,000 biyahero ang dadagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa darating na Holy Week.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) Sr. Assistant General Manager Bryan Co, ito ang kauna-unahang Semana Santa na kapwa bukas ang domestic at foreign travel ng Pilipinas kung kaya’t inaasahan nilang bubuhos ang mga turista sa bansa.
Kasunod ito ng desisyon ng pamahalaan na alisin ang travel restrictions bilang bahagi ng muling pagbuhay sa turismo ng pilipinas mula sa epekto ng Covid-19 pandemic.
Sa ngayon, 120,000 pasahero kada araw ang naitatala sa NAIA, na posible pa anilang madagdagan hanggang Mayo.