Maaaring makatulong ang water sources sa Laguna Lake sa gitna ng pinangangambahang shortage sa suplay ng tubig dahil sa inaasahang epekto ng El Niño.
Ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Dr. Sevillo David Jr. may ginagawa silang hakbang upang magamit ang lawa at maibsan ang epekto ng tagtuyot sa ilang dam gaya ng Angat.
Aniya, may treatment facilities sa Laguna Lake na maaaring maglinis ng tubig at makapag-ambag sa kailangang suplay na magagamit ngayong panahon ng tag-init.
Bukod dito, sinabi ng opisyal na may naka-abang din silang supply augmentation measures, na tumutukoy sa paggamit ng mga tagas na tubig, na isinasailaim sa treatment process upang magamit.