Posibleng maglabas ng Warrant of Arrest ang ICC laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa war on drugs nito, ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra.
Maaari aniyang ihain ito ng ICC kung pumabor ang Appeals Chamber nito na muling buksan ang imbestigasyon.
Ngunit magiging malaking tanong ani Guevarra kung sino ang magpapatupad nito kung hindi makikipagtulungan ang gobyerno dahil sa hindi pa naayos na usaping hurisdiksyon,
gayung kailangang umasa ng ICC sa mga otoridad na nakabase sa bansa.
Matatandaang pormal nang umapela ang Gobyerno ng Pilipinas sa resumption nang pagsisiyasat ng ICC pre-trial chamber sa umano’y mapang-abusong drug war ng Duterte Administration.