dzme1530.ph

Walang balasahan sa mga opisyal at kawani ng Department of National Defense

Mananatili sa pwesto ang lahat ng kawani at opisyal ng Department of National Defense (DND).

Ito ang tiniyak ni DND Secretary Carlito Galvez Jr. kasabay ng pagsasabing inaasahan niya ang mga opisyal na tutulong sa 10-Point Agenda na isinulong ni outgoing Officer-In-Charge Jose Faustino.

Kasama anya rito ang Modernization Program, External Defense, Disaster Response at pagtataas pa ng lebel ng Military.

Inihayag pa ni Galvez na wala siyang natatanggap na anumang Courtesy resignation mula sa kanilang mga opisyal.

Sinabi naman ni DND Undersecretary Angelito De Leon na nagkaroon na ng pagpupulong sina Galvez at Faustino para sa maayos na Transition ng mga programa at aktibidad.

Nilinaw din ni De Leon na ang paghahain ng courtesy resignation ay maituturing na customary process sa tuwing mayroong bagong pinuno ang ahensya.

Layun nito na bigyang oportunidad ang bagong pinuno na magtalaga ng mga nais nitong makasama sa pagtatakbo ng departamento.

Wala rin anyang dahilan upang magsagawa ng loyalty check sa Department of National Defense at maging sa Armed Forces of the Philippines dahil nananatili anyang mataas ang morale ng mga opisyal at miyembro nito.

About The Author