dzme1530.ph

VP Sara, mag-a-apply ng permit para sa mga kaanak na magtutungo sa The Hague para sa kaarawan ni FPRRD

Loading

Hinihintay ni Vice President Sara Duterte kung sino sa kanilang mga kaanak ang magtutungo sa Netherlands para sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang dating lider na ngayon ay nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, ay magdiriwang ng kanyang ika-80 kaarawan sa March 28.

Sa virtual presser, sinabi ni VP Sara, na hindi pa sigurado kung makadadalo ang kanyang mga kapatid, subalit mag-a-apply siya ng visitation permits para sa mga makararating sa The Hague.

Idinagdag ng Bise Presidente na kung hindi man sila payagan na makabisita nang sabay-sabay ay ibibigay na lamang niya sa mga kaanak ang tatlong oras sa naturang araw para makasama ang dating Pangulo sa birthday nito.

About The Author