dzme1530.ph

VP Sara Duterte, babalik sa The Hague sa kanyang birthday

Loading

Inanunsyo ni Vice President Sara Duterte na babalik siya sa Netherlands para magdiwang ng kanyang kaarawan sa May 31, kasama ang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte, na nakakulong sa The Hague kaugnay ng umano’y crimes against humanity.

 

Sa ambush interview sa Negros Occidental, sinabi ng Bise Presidente na babalik siya sa Netherlands, kasama ang kanyang ina na si Elizabeth Zimmerman, na Ex-wife ng dating Pangulo.

 

Inihayag ni VP Sara na nangako siya sa kanyang mga magulang na kasama niya ang mga ito sa kanyang birthday.

 

Idinagdag ng Vice President na nang magtungo sa The Hague ang kanyang ina ay hindi nito nabisita sa detention facility ang kanyang ama.

 

Si VP Sara na magdiriwang ng kanyang 47th birthday sa may 31 ay kauuwi lang ng Pilipinas nitong Mayo matapos manatili ng mahigit tatlong linggo sa Netherlands, para bigyan ng suporta ang dating Pangulo.

About The Author