dzme1530.ph

Vhong Navarro, inabswelto ng Supreme Court sa kasong Rape at acts of lasciviousness

Ibinasura ng Supreme Court ang mga kasong Rape at Acts of lasciviousness laban sa TV host/Actor na si Vhong Navarro.

Binaliktad ng kataas-taasahang hukuman ang naunang ruling ng Court of Appeals na inisyu noong July 2021 at September 2022.

Nag-ugat ang kaso sa isinampang reklamo ng modelo na si Deniece Cornejo laban sa aktor noong 2014, na kinalaunan ay dinismis ng Department of Justice.

Gayunman, binaliktad ng CA ang ruling ng DOJ noong 2022 na nagresulta sa pansamantalang pagkakakulong ni Navarro sa National Bureau of Investigation Detention Facility bago inilipat sa Taguig City Jail.

December 2022 nang payagan ng korte si Vhong na pansamantalang makalaya makaraang mag-piyansa ng P1-M.

About The Author