dzme1530.ph

US, nagpaulan ng airstrikes sa Houthi rebels sa Yemen

Loading

Sunod-sunod na nagpakawala ng airstrikes ang Amerika sa Houthi rebels sa Yemen.

Inihayag ni US President Donald Trump na ang dahilan ng airstrikes ay ang pag-atake ng armadong grupo sa mga barko sa Red Sea.

Sa kanyang Truth Social platform, sinabi ni Trump na tinarget ng Houthi rebels na pino-pondohan ng Iran, sa pamamagitan ng missiles ang US aircraft, pati na ang kanilang mga tropa at kaalyado.

Idinagdag ng US President na bukod sa bilyun-bilyong dolyar na nawala, nalagay din sa alanganin ang buhay ng marami, dahil sa pamimirata, karahasan, at terorismo ng armadong grupo.

Iniulat naman ng Health Ministry na pinatatakbo ng Houthi, na 31 katao ang nasawi habang mahigit 100 iba pa ang nasugatan bunsod ng airstrikes ng Amerika.

About The Author