Aalisin na ang U-Turn slot sa C5-Kalayaan.
Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni MMDA Chairman Romando Artes na ginawa nang U-Turn slot ang C5 Kalayaan intersection, gayong ang orihinal na plano ay lalagyan ito ng underpass para sa dere-deretsong pagdaloy ng mga sasakyan.
Kaugnay dito, ini-rekomenda na ng MMDA ang paglalagay ng stoplight upang maalis ang U-Turn slot, para maituloy na rin ang underpass.
Sinabi naman ni Artes na kailangang pag-aralang mabuti ang traffic management plan sa paglalagay ng stoplight, at pondo sa paggagawa ng underpass.
Samantala, tinalakay din ang posibleng paglalagay ng overpass sa C5 sa bahagi ng Lanuza.