dzme1530.ph

TRABAHO Partylist nagpaabot ng pasasalamat sa suportang ibinigay ng mga ‘Batang Kankaloo’

Loading

Back-to-back na sortie sa Kalookan ang dinaluhan ng TRABAHO Partylist kasama ang celebrity advocate nito na si Melai Cantiveros-Francisco at mga nominee na sina Atty. Johanne Bautista at Ninai Chavez.

Kasama ang Team Aksyon at Malasakit slate, sa pangunguna ni Mayor Along Malapitan, nagpasalamat ang grupo sa suporta at pagmamahal mula sa mga “Batang Kankaloo”- moniker para sa mga lehitimong residente ng Kalookan.

Sa March 29-30 sortie, inikot ng mga nasabing kandidato ang mga Distrito 1, 2 at 3 sa North Kalookan at South Kalookan lulan ng motorcade.

Batay sa 2022 record ng COMELEC, mayroong 700,000 registered voters ang Kalookan at kabilang sa mga binansagang “vote-rich city”.

Layon ng TRABAHO Partylist na isulong ang mataas na kalidad ng buhay ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagtiyak ng makatarungan at marangal na trabaho na magbibigay ng magandang buhay sa lahat ng Pilipino.

About The Author