dzme1530.ph

Taiwanese national arestado sa NAIA T3 matapos makuhanan ng iligal na droga

Arestado ang isang pasaherong Taiwanese national sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos makuhanan ng iligal na droga.

Sa inisyal report ng NAIA-PDEA natuklasan ng Office for Transportation Security (OTS) personnel ang iligal na droga sa final security checkpoint ng kapkapan ang dayuhan habang papasok siya sa boarding gate.

Nabatid na papaalis ang nasabing pasaherong si Chen Yinjyun sakay ng Cebu Pacific flight 5J-553 patungong Cebu nang makuha ang 9.3 grams na ketamine na nakatago sa kanyang katawan.

Kasama sa mga na-recover mula sa dayuhan ang apat na cellphone mga IDs 300 foreign currency at ₱25,000 cash.

Sa ngayon sumailalim pa sa imbestigasyon ang nasabing dayuhan bago siya dadalhin sa main office ng PDEA sa Quezon City.

About The Author