dzme1530.ph

Suplay, presyo ng bigas, maaapektuhan ng El Niño

Posibleng kumunti ang suplay at tumaas ang presyo ng bigas dahil sa El Niño.

Ito ang ibinabala ng Department of Agriculture (D.A), ngayong unti-unti na anilang sinasalanta ng matinding tagtuyot ang mga bukirin.

Ayon kay D.A. Spokesperson Rex Estoperez, maaapektuhan ang produksiyon ng bigas kung mahihinto sa pagtatanim ng palay ang mga magsasaka.

Base aniya sa kanilang datos, kumokonti ang suplay ng bigas sa bansa tuwing tag-init.

Inihayag din ni Estoperez na sa ganitong sitwasyon, asahan na ng publiko ang pagtaas ng presyo ng bigas kasunod na rin ng pagtaas ng farm gate prices.

About The Author