Walang nakikitang kakulangan sa suplay ng kuryente ang Department of Energy (DOE) maliban lamang kung mayroong masisirang planta.
Sa panayam ng DZME1530, sinabi ni Energy Usec. Dr. Rowena Cristina Guevarra na base sa kanilang simulation, mayroong power outlook na 500 hanggang 1,000 megawatts na margin sa pagitan ng suplay at demand ng kuryente sa Luzon.
Dagdag ni Guevarra, dahil sa sobrang init ngayong panahon ng tag-araw ay posibleng magkaroon ng 14 na yellow alerts sakaling magkulang ang suplay ng kuryente.