dzme1530.ph

State Visit ni Pangulong Marcos Jr sa China dapat ituloy ayon sa DOH

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na dapat ituloy ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang nakatakdang state visit sa China sa darating na Enero 2023.

Ito ay sa harap ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa China.

Ayon kay DOH Officer-In-Charge Dr. Ma. Rosario Vergeire, ang pagbisita ng Pangulo sa ibang bansa ay mahalaga sa ekonomiya.

Sinabi pa ni Vergeire na hindi dapat maging balakid sa trabaho ang pagkakaroon ng mataas na kaso ng virus sa isang lugar.

Kaugnay dito, dapat umanong maintindihan ng publiko na kasama na sa ating pamumuhay ang COVID-19.

Matatandaang ibinabala ng Infectious Disease Expert na si Dr. Tony Leachon na maaaring maging “super spreader event” ang pagbisita ng Pangulo sa China.

Si Marcos Jr. ay nakatakdang makipagpulong kay Chinese President Xi Jinping.

About The Author