dzme1530.ph

Starlink Internet Service, live na sa Pilipinas

Inanunsyo ng Space X na live na sa Pilipinas ang Starlink Internet Service, ngunit wala pang anunsyo sa paglulunsad ng serbisyo at paglalabas ng Starlink Kits sa bansa.

Sa isang twitter post ay sinabi ng Space X na “available na ngayon ang Starlink sa Pilipinas” ibinahagi din sa naturang post ang link ng map na nagpapakita sa worldwide availability ng Starlink.

Makikita sa mapa na available ang starlink sa malaking bahagi ng bansa, maliban sa National Capital Region na may naka-tag na “coming soon.”

Nilinaw naman ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Anna Mae Lamentillo na hindi pa available ang nasabing serbisyo sa publiko.

Starlink ay pag-aari ng bilyonaryong si Elon Musk.

About The Author