dzme1530.ph

Staff ni NegOr 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr., na ikinulong ng PNP-CIDG Regional Field Unit 7, pinalaya na

Nakalabas na mula sa pagkakapiit ang sekretarya ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr., na ikinulong ng PNP-CIDG Region 7 dahil umano sa paglabag sa R.A. 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions.

Si Hanna Mae Sumerano Oray ay pinalaya ng PNP-CIDG Regional Field Unit 7 sa bisa ng release order na ipinalabas ni Hon. Benedicto A. Malcontento, prosecutor general ng Department of Justice.

Ayon sa kampo ni Oray, patunay ito na wala silang kasalanan at lisensiyado ang baril na kinuha sa kanila ng PNP-CIDG na sumalakay sa kanilang kinaroroonan at pilit kinuha ang kanilang lisensiyadong baril.

Sabi pa ng kampo ni Oray, na ang utos na palayain sila ay nangangahulugan din ng paglabag sa kanilang karapatang pantao matapos silang puwersahang dalhin ng mga pulis at ikulong dahil sa kasong Illegal Possession of firearms kahit na lisensiyado ang dalawang kalibre .45 na baril na sapilitang ding kinuha sa kanila.

About The Author