dzme1530.ph

Special Credit Facility, binuksan para sa Coconut farmers

Binuksan ng Development Bank of the Philippines ang isang Special Credit Facility para sa mga magsasaka ng niyog para mapondohan ang mga proyekto na may kinalaman sa coconut value chain.

Ayon kay DBP President and Chief Executive Officer Michael De Jesus, tututukan ng Coconut Farmers and Industry Development (CFID) credit program ang capacity expansion, farm integration, at enterprise diversification para lumakas ang produksyon at tumaas ang kita ng mga magsasaka.

Maari aniyang umutang ang coconut farmers ng hanggang 90% ng kabuuang halaga ng proyekto.

Sinabi ng DBP na 75% ng loan ay po-pondohan ng Coconut Farmers and Industry Trust Fund habang ang natitirang 25% ay manggagaling sa pondo ng DBP.

About The Author