dzme1530.ph

SP Escudero, walang nakikitang rason para paharapin sa pagdinig nila sina Reps Abante at Fernandez

WALANG balak ang Senado na imbitahan sa sarili nilang pagdinig sina Cong. Benny Abante at Cong. Dan Fernandez na binanggit ni Police Col. Hector Grijaldo na nagtangkang mag-utos sa kanya na kumpirmahan ang reward system sa drug war ng nakaraang administrasyon. Sinabi ni Senate President Francis Chiz Escudero na bahagi ng kanilang parliamentary courtesy ay hindi nila padadalhan ng imbitasyon ang dalawang kongresista.

Ang mas posible anyang gawin ay paharapin ng Quad Committee ng Kamara si Grijaldo sa kanilang pagsisiyasat.

Malamig din si Escudero sa rekomendasyon ni Senador Ronald Bato dela Rosa na isailalim sa witness protection program si Grijaldo.

Ipinaliwanag ng senate leader na aktibong pulis si Grijaldo at wala namang witness protection program ang Senado. —ulat mula kay Dang Garcia

About The Author