Inaresto ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group ang isang lalaking 62-anyos na Senior Citizen bago pa makasakay ng eroplano patungong Dubai sa NAIA Terminal 3, dahil sa iba’t ibang kasong kinakaharap nito.
Ang pag-aresto sa senior citizen ay ginawa dahil sa bisa ng warrant of arrest para sa maraming mga paglabag, kasama ang Tax Reform Act of 1997 (RA 8424) at 3 counts ng Batas Pambansa blg. 22 (Bouncing Checks Law).
Kasama sa warrant ang isang inirekumendang piyansa ng P12,000 para sa tax violation at P120,000 naman para sa bawat isa sa 3 counts ng Batas Pambansa (BP) 22.
Ang akusado ay nasa kostudiya na ng ng Regional Intelligence Division/Regional Special Operations Group ng NCRPO para sa gagawing dokumentasyon at ligal na paglilitis.