Pupulungin ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang Senate legal team bukas upang talakayin ang isinumite mosyon ng House prosecution team.
Sa kanilang mosyon, hiniling ng prosecution team na mag-isyu ng writ of summons kay Vice President Sara Duterte upang sagutin ang kanilang inihaing Articles of Impeachment sa loob ng 10 araw.
Sinabi ni Escudero na kanyang tatalakayin at isasangguni sa legal team ng Senado ang mosyon upang mapag-aralang mabuti ang kanilang susunod na habkang.
Idinagdag pa ni Escudero kanila itong aaksyunan ng naayon at sa takdang panahon.