dzme1530.ph

Senado naglabas ng arrest order laban kay Pastor Apollo Quiboloy

Naglabas na ng arrest order ang Senado laban kay Pastor Apollo Quiboloy matapos hindi makuntento ang Senate committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality sa paliwanag ng kampo ng pastor sa show cause order.

Ang arrest order ay nilagdaan nina Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri at Senator Risa Hontiveros.

Nilinaw naman ni Zubiri na ang layun ng arrest order ay paharapin sa pagdinig si Quiboloy at hindi upang ito ay parusahan.

Ipinaalala pa ng senate leader na ipinatupad ng Senado ang due process para kay Quiboloy bago ang pagpapalabas ng arrest order.

May 24-oras naman ang Senate Sergeant at Arms para maipatupad ang arrest order.

About The Author