dzme1530.ph

Senado, may nakuha ng private lawyers para sa impeachment proceedings laban kay VP Duterte

Loading

Kinumpirma ni Senate Secretary Renato Bantug na may mga private lawyer na ang pumayag na tumulong sa Senado para sa isasagawang impeachment trial Kay Vice Pres Sara Duterte.

Sinabi ni Bantug na kabilang sa mga nangako na tutulong ay mga abogado na may karanasan sa paglilitis o’ trial practice.

Tumanggi naman si Bantug na tukuyin kung sino na ang mga nakuha nilang abogado para tumulong sa Senado sa pag akto bilang impeachment court.

Sa ngayon aniya ay mayroon na silang nakuha na dalawang regular na tumutulong sa pag-update at pag-refresh sa rules of court lalo na sa mga latest rules sa trial procedure.

Sa kabila ng mga kaganapan sa bansa tulad ng pagkakaaresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte, tuloy tuloy ang paghahanda ng Senado para sa isasagawang paglilitis sa bise president.

Alinsunod sa panukalang calendar, sa July 30 pa, sa ilalim na ng 20th Congress, mauumpisahan ang trial proper.

Kahapon nagsagawa ng inspection sa Senado si House Sec. Gen. Reginald Velasco na nagpahayag naman ng katuwaan sa nakitang set up sa plenary session na magsisilbing korte.

Tiningnan din nila ang kuwarto na magsisilbing working area para sa prosecution panel, mga testigo at support group nito.

About The Author