dzme1530.ph

Sen. Tulfo, umaasang makakalaya na rin ang 23 pang Pilipino na may kaso sa Riyadh

Loading

Umaasa si Senate Committee on Migrant Workers Chairperson Raffy Tulfo na matutulungan ng gobyerno at mapapalaya ang 23 pang Pilipino na may iba’t-ibang kaso na kasalukuyang nasa piitan sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ginawa ni Tulfo ang pahayag kasunod ng kanyang ocular inspection sa Migrants Workers Office at embassy shelter na Bahay Kalinga 2 sa Riyadh.

Ikinatuwa rin ni Tulfo ang kumpirmasyon ni Labor Attaché Antonio Mutuc Jr. na isang OFW na nasa death row ang napawalang sala makaraang mapatunayan na sinet up lamang siya sa kaso.

Ito ay makaraang sundin ng ahensya ang suhestyon ni Tulfo na kumuha ng local Arab lawyers para sa Assistance-to-Nationals (ATN) na ang pondo ay magmumula sa AKSYON fund upang mas maging malakas ang dipensa sa mga problemang ligal ng mga OFW.

Pinuri rin ng senador ang organisado at sistemakong setup ng mga tanggapan ng MWO sa Riyadh partikular ang kanilang Grievance Processing Center.

Natuwa rin si Tulfo sa kumpletong pasilidad sa Bahay Kalinga 2 na may mga kwarto, kusina at food pantry na mayroon pang diapers at gatas para sa mga bata.

Pinasalamatan din ng senador ang Saudi government sa mutual cooperation sa pagitan nila at ng gobyerno ng Pilipinas para tugunan ang mga pangangailangan ng mga OFW.

About The Author