dzme1530.ph

Sen. Marcos, kinuwestyon ang ICC

Pinuna ni Senator Imee Marcos ang International Criminal Court (ICC) dahil sa hindi pag-imbestiga sa lantaran at hindi mabilang na ‘crimes against humanity’ ng Western countries.

Ito ay kasunod ng hindi matigil na kagustuhan ng ICC na imbestigahan ang mga paglabag sa karapatang pantao mula sa laban kontra droga ng Duterte administration.

Ayon sa senadora, ginagawang katatawanan ang ICC dahil napakaraming krimen ang nangyayare sa Kanlurang bansa ngunit hindi maimbestigahan.

Giit ni Sen. Marcos, lagpas pa sa milyong inosenteng sibilyan at sundalong Iraqi ang napatay at nawalan ng tirahan pero hindi man lang makita ng korte.

Namimili ba aniya ang kanilang hustisya at mas pinagtutuunan ng pansin ang mga bansa sa Africa at maliliit na bansa gaya ng Pilipinas.

About The Author