dzme1530.ph

Sen. Marcos, inaming nakasama na niya si Mayor Guo sa ilang aktibidad

Inamin ni Sen. Imee Marcos na nakasama na niya si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa ilang aktibidad.

Tugon ito ng senadora sa mga kumakalat na larawan nito sa social media kasama ang alkalde.

Sinabi ni Marcos na minsan siyang bumisita sa bayan ng Bamban kasama ang Department of Social Welfare and Development para sa pamamahagi ng Assistance in Crisis Situation.

Iginiit ng senador na first time niyang nakita doon ang alkalde subalit inamin na posibleng ilang beses pa niyang nakaharap si Guo

Sa socmed, lumabas ang litrato na magkasama sa loob ng sasakyan sina Marcos at Guo habang isa pang litrato ay magkasama sila sa entablado.

Subalit sa dalawang larawan ay pareho ang kanilang suot na damit na indikasyon na kinuha ang mga iyon sa parehong araw.

Matatandaang isinasangkot si Guo sa operasyon ng POGO sa Tarlac at kinukuwestyon din ang citizenship nito.

 

 

About The Author