dzme1530.ph

Sen. Gatchalian, pinadadagdagan ang tulong pinansyal para sa mga lifeliner consumer

Pinadadagdagan ni Senator Sherwin Gatchalian ang subsidiya para sa mga low-income consumer ng kuryente.

Iminungkahi ni Gatchalian ang karagdagang P1/kwh para sa mga lifeline consumer o kabuuang P418-M na kukunin mula sa national budget para maibsan ang epekto ng inflation sa mga kumukunsumong may maliliit na kita.

Sa ipinatupad na Lifeline Rate Extension Act, nakatipid ang isang lifeliner ng P194.36 noong Pebrero 2022 at P233.34 naman ngayong Pebrero 2023.

Kung mabibigyan pa ng pamahalaan ng dagdag na P1/kwh na subsidy, tataas pa ang matitipid ng mga consumers na maaaring umabot ng halos ₱296.67 kada buwan.

Mahigit 4-M households naman ang target beneficiaries ng lifeline rate subsidy sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

About The Author