Kailangan ng puspusang aksyon upang maagapan ang posibleng pagkasira ng Oriental Mindoro at kalapit lalawigan nito.
Ito ayon kay Senator Nancy Binay, pinakamahalaga ngayon na magmadali ang gobyerno at iba pang kinauukulang sektor sa pagtugon sa pinsalang dulot ng oil spill ng lumubog na MT Princess Empress sa probinsiya.
Nakapanghihinayang at nakakaalarma ani mambabatas ang nangyayari sa Mindoro, na ‘’Summer Alternative’’ ng Boracay dahil unti-unti na itong nasisira.
Matatandaang sinabi ng Department of Tourism (DOT) na nasa 61 tourist sites ng bansa ang naabot ng oil spill kung saan inaasahan ang pagbagsak ng turismo sa lugar ngayong Holy Week.