dzme1530.ph

Rose Nono Lin ng QC District 5, inendorso ng INC

Loading

Natanggap ni Congressional aspirant Rose Nono Lin ang pag-endorso ng Iglesia ni Cristo (INC) para sa kanyang kandidatura sa karera para sa 5th Legislative District ng Quezon City.

Bagama’t walang opisyal na proklamasyon ang INC, ang mga source na malapit sa relihiyosong grupo at kampo ni Lin ay parehong kinumpirma ang pag-endorso.

Sa isang pahayag, pinasalamatan ni Lin ang INC sa kanilang suporta sa kanyang laban na “itaas ang kalidad ng serbisyo publiko para sa mga residente ng Distrito 5, at tugunan ang mga problema at ibigay ang mga magagandang programa ng may tapat na paglilingkod.

Ibinahagi rin ni Lin kung paano nakipagtulungan ang kanyang charity organization, ang Rose Lin Foundation, sa INC noon, para maipaabot ang mas karapat-dapat na mga benepisyaryo.

About The Author