dzme1530.ph

Rider ng motorsiklo at angkas nito, patay matapos masagasaan ng truck sa Pasig

Patay ang rider ng motorsiklo at angkas nitong lalaki matapos magulungan ng dump truck sa Pasig City.

Ayon sa Traffic Investigator, sumalpok ang motorsiklo sa likurang bahagi ng SUV na magpa-park sa harap ng isang bangko, sa Ortigas Avenue Extension.

Dahil sa impact, tumilapon ang rider at pasahero nito saka nasagasaan ng truck.

Nasa kustodiya na ng Pasig City Police ang truck driver na samsapahan kasong Reckless Driving Resulting in Multiple Homicide.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may pananagutan din sa insidente ang driver ng SUV.

About The Author