dzme1530.ph

Pulisya, may apat na anggulong sinisilip sa pagpaslang sa radio anchor na binaril habang naka-livestream

Apat na anggulo ang sinisilip umano ng pulisya sa pagpaslang sa radio anchor na binaril habang naka-livestream sa kanyang programa, sa Calamba, Misamis Occidental.

Ito, ayon kay Police Capt. Diore Ragonio, officer-in-charge ng Calamba Municipal Police Station, ay sa kabila nang pagsasabi ng misis ni Juan Jumalon, alyas “Johnny Walker,” na wala silang alam na kaaway o banta sa buhay ng kanyang mister.

Sa CCTV footage, nakita ang dalawang lalaking pumasok sa gate ng compound ni Jumalon sa Barangay Don Bernardo A. Neri, kung saan matatagpuan ang kanyang radio booth.

Isa sa mga killer ang dumiretso sa booth ni Jumalon saka pinagbabaril sa ulo ang biktima at hinablot pa ang suot nitong kuwintas saka tumakas.

Wala nang buhay ang radio anchor nang isugod sa Calamba District Hospital. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author