Aminado si Sen. Risa Hontiveros na nababahala siya sa natuklasang presensya ng 13 undocumented Chinese nationals na sakay ng isang dredging vessel sa Mariveles, Bataan.
Sa privilege speech, sinabi ni Hontiveros na natuklasan ito ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard noong November 26 habang nagsasagawa ng routine pre-departure inspection.
Isa pa sa ipinagtataka ng senador ay ang pagkakatuklas ng uniporme ng People’s Liberation Army (PLA) sa barko ng mga undocumented Chinese.
Idinagdag pa ng mambabatas na napag-alaman nilang ang kumpanyang nasa likod ng dredging operation ng barko ay ang state-run China Harbour Engineer Company (CHEC), na blacklisted na sa US at ng World Trade Organization (WTO).
Kaugnay nito, nanawagan si Hontiveros sa gobyerno na busisiing maigi at tugunan ang insidente.
Nangangamba ang mambabatas na posibleng sangkot ang mga ito sa espionage activities. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News