dzme1530.ph

Posibleng brownouts ngayong tag-init, ibinabala ng NGCP

Nagbabala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng posibleng power interruptions ngayong tag-init, kasunod ng pagtanggi ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa kanilang request para sa monthly extensions sa ancillary services agreements.

Ipinaliwanag ng grid operator na dahil sa pagtanggi ng ERC sa interim agreement ay tali ang kanilang mga kamay kung kaya’t vulnerable sa power interruptions ang Philippine Transmission Grid dahil sa artipisyal na kakapusan ng Ancillary Service Agreements.

Ibinabala rin ng NGCP na maaring magdulot ang fluctuations ng pinsala sa mga sensitive equipment, automatic load dropping, o hindi inaasahang brownouts.

Una nang tinaya ng Department of Energy na posibleng maisailalim ang Luzon grid sa yellow alert sa weeks 13 at 14 sa Abril; lahat ng linggo sa Mayo; at weeks 22 at 23 sa Hunyo, na nangangahulugang manipis ang reserbang kuryente sa grid, base sa supply and demand.

About The Author