dzme1530.ph

Poland, magpapadala ng fighter jets sa Ukraine

Inihayag ni Polish President Andrzej Duda na magpapadala sila ng fighter jets sa Ukraine.

Ayon kay Duda, apat na fully-operational war planes ang kanilang ibibigay bilang suporta sa laban ng Ukraine kontra Russia.

Nabatid na ang Poland ang pinaka-unang bansa na miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) na magsusuplay ng fighter jets sa Kyiv.

Matatandaang ilang beses nanawagan ang Ukraine sa Western allies na magpadala ng fighter jets bilang depensa sa missile strikes at drone attacks ng Russia.

About The Author