dzme1530.ph

PNP, bumuo ng task group na tututok sa imbestigasyon sa pagpatay sa radio anchor sa Misamis Occidental

Bumuo ang Police Regional Office 10 ng Special Investigation Task Group na tututok sa pag-i-imbestiga sa pagpatay sa isang radio anchor, na binaril habang naka-live broadcast sa Calamba, Misamis Occidental.

Kinondena ni PRO10 Acting Regional Director Pol. Brig. Gen. Ricardo Layug Jr. ang pagpaslang kay Juan Jumalon o “Johnny Walker” habang on air sa programa nito sa 94.7 Calamba Gold FM, kahapon ng ala 5:30 ng umaga.

Sa ngayon aniya ay nagsasagawa na sila ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang mga nasa likod ng krimen at maigawad ang hustisya.

Si Jumalon ay nasa kanyang home-based radio station sa Barangay Don Bernardo A. Neri nang malapitan itong barilin ng salarin, kung saan tumama ang bala sa ibaba ng kanyang labi at tumagos likurang bahagi ng kanyang ulo. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author