![]()
Sumadsad ang halaga ng piso sa panibagong record low na ₱63.52 per dollar, kahapon.
Kumpara ito sa dating record na ₱63.361 per dollar noong Miyerkules.
Sa intraday trade kahapon, bumulusok sa ₱63.545 ang local currency kontra dolyar hanggang sa bahagya itong makaakyat sa ₱63.52 hanggang sa pagsasara ng palitan.
Ito na ang 30th record low ng piso laban sa dolyar simula nang mag-umpisa ang 2026, sa gitna ng inflationary concerns kasabay ng patuloy na pagtaas ng global oil prices bunsod ng kaguluhan sa Middle East.
