dzme1530.ph

Pinay tennis star Alex Eala, sasabak sa Miami Open bilang wild card

Loading

Nakatakdang sumabak ang Filipina tennis sensation na si Alex Eala bilang wild card sa Miami Open, sa Florida.

Kabilang si Eala sa pitong players na pinagkalooban ng wild card ng Women’s Tennis Association (WTA) para sa naturang event na magsisimula sa March 18, sa Hard Rock Stadium sa Miami.

Papasok ang 19-anyos na Pinay tennis star sa tournament bilang third seed sa lahat ng wildcard entries.

Sa kasalukuyan ay rank 140 si Eala sa WTA, mula sa naabot niyang career-high ranking na 134 nang pumasok ang 2025.

About The Author