Posibleng makaharap muli ni World No. 72 Alex Eala ang World No. 2 na si Iga Swiatek, at sa pagkakataong ito ay sa Madrid Open, na nagsimula kahapon at tatagal hanggang sa May 4, sa Caja Magica, sa Madrid, Spain.
Gayunman, kailangan munang manalo ng Filipina tennis star laban kay World No. 64 Viktoriya Tomova ng Bulgaria sa Round of 128.
Una nang nagkasagupa sina Eala at Swiatek sa Miami Open, kung saan tinalo ng 19-anyos na Pinay ang Polish player sa Quarterfinals.
Nabigo naman ang Pinay tennis star na makausad hanggang sa dulo ng torneyo makaraang kapusin kay Jessica Pegula ng Amerika sa Semifinals.