dzme1530.ph

Pilipinas, sigurado na sa unang Asian Winter Games medal sa pamamagitan ng men’s curling team

Loading

Tiyak na ang unang Asian Winter Games Medal ng bansa sa pagsabak ng Curling Pilipinas sa gold medal match sa men’s curling event laban sa South Korea.

Kagabi ay tinalo ng Curling Pilipinas na binubuo nina Marc at Enrico Pfister, Christian Haller, Alan Frei, at Benjo Delarmente, ang China sa score na 7-6, sa semifinals.

Nagtapos sa ikalawang pwesto ang Pilipinas sa Group A, sa pamamagitan ng 3-1 win-loss card.

Makakasagupa ng Philippine Team ang South Korea para sa gintong medalya ngayong Biyernes, habang paglalabanan ng China at Hong Kong ang bronze medal.

About The Author