Humakot ang Pilipinas ng apat na parangal sa World Travel Awards 2023 sa Dubai UAE.
Ayon sa Presidential Communications Office, kabilang sa mga award na naibulsa ng bansa ang Global Tourism Resilience Award, World’s Leading Dive Destination, at World’s Leading Beach Destination.
Nagwagi naman ang Maynila bilang World’s Leading City Destination.
Mababatid na ang pagbuhay ng turismo matapos ang pandemya ay kabilang sa mga adhikain ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Isinusulong din ni Marcos na gawin ang Pilipinas bilang “Tourism Powerhouse” ng Asya. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News