dzme1530.ph

Pilipinas, bigong makabawi sa Iraq sa FIFA World Cup Qualifiers

Muling pinadapa ng Iraq ang Pilipinas sa score na 5-0 sa 2026 FIFA World Cup Qualifiers sa harap ng mahigit 10,000 nanood, sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila, kagabi.

Ito ang ikalawang sunod na talo ng Philippine Men’s National Football Team, sa ilalim ng bagong head coach na si Tom Saintfiet, na wala pang isang buwan na nakakasama ng mga manlalaro.

Una nang kinapos ang Philippine Booters sa unang paghaharap laban sa Iraq sa score na 1-0, na ginanap sa Basra noong March 22.

Ito rin ang ika-apat na talo ng Pilipinas sa round of qualifiers kasunod ng pagkatalo laban sa Vietnam, Indonesia, at Iraq sa Group F.

About The Author