dzme1530.ph

PHIVOLCS, nilinaw na dalawang magkasunod na lindol ang tumama sa Davao De Oro

Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na dalawang magkasunod na lindol ang tumama sa Davao De Oro, kahapon.

Sa panayam ng DZME1530, sinabi ni PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol na nangyari ang magnitude 5.9 na lindol bandang alas-2:00 ng hapon habang alas-4:47 ng hapon ang magnitude 5.6.

Binigyang-linaw din ni Bacolcol na wala silang inaasahang banta ng tsunami dahil nangyari ang lindol sa lupa o in-land at hindi sa dagat.

Ipinabatid din niya na bahagi ng Philippine fault line ang gumalaw at nagdulot ng lindol kung saan naramdaman ang intensity 5 sa ilang bahagi ng nasabing lalawigan.

Samantala, iginiit ni Bacolcol na hindi makaka-apekto o magti-trigger ang nangyaring mga lindol sa pag-alburuto ng mga bulkan sa bansa.

About The Author