DZME1530

Oil spill clean-up sa Oriental Mindoro, posibleng abutin ng 1 taon

Posibleng abutin ng anim na buwan hanggang isang taon bago matapos ang paglilinis ng oil spill dulot nang lumubog na motor tanker sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Pola Town Mayor Jennifer Cruz, sinabi aniya ito ng isang eksperto matapos suriin ang sitwasyon sa lugar.

Iginiit din aniya ng eksperto na pagtaya lamang ito at hindi pa nila alam kung hanggang kailan tatagal ang paglilinis dahil sa matinding pagkapit ng langis na parang aspalto sa mga bato at buhangin.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang DOH sa mga lokal na pamalaan para masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa nasabing lalawigan.

About The Author