dzme1530.ph

Philippine Coconut Authority, pumayag na imbestigahan ang palm oil smuggling

Lumagda ang Industry Associations ng agreement sa Philippine Coconut Authority (PCA) para imbestigahan ang technical smuggling ng palm oil, na rival product ng coconut oil.

Sinabi ng Federation of Philippine Industries (FPI) na kabilang sa ibang partido na lumagda sa kasunduan ay ang Coconut Oil Refiners Association (CORA) at fight illicit trade.

Inihayag ni Jesus Arranza, Chairman ng FPI at Presidente ng CORA na mahigit P45-B na revenue ang nawala sa pamahalaan sa loob ng mahigit anim na taon dahil sa smuggling ng palm oil.

Ang smuggling ay sa pamamagitan ng misdeclaration ng Palm Olein Shipments na ginagamit bilang animal feeds, upang maiwasan ng importers ang Value-Added Tax (VAT) para sa naturang produkto na ginagamit sa cooking oil.

About The Author