dzme1530.ph

PhilHealth, walang subsidiya sa susunod na taon

Loading

Walang matatanggap na subsidiya sa susunod na taon ang PhilHealth.

Ito ang kinumpirma ni Senate Finance Committee Chairperson Grace Poe makaraang magkasundo ang bicameral conference committee ng Senado at Kamara na alisin sa panukalang 2025 budget ang hiling na ₱74-B na subsidiya sa PhilHealth.

Sinabi ni Poe na dapat gamitin muna ng PhilHealth ang kanilang ₱600 billion na reserve fund at mas makabubuting ilaan ang subsidiya sa kanila sa ibang programa.

Ipinaliwanag ng senador na iisa ang naging sentimyento ng mga mambabatas na dapat matiyak ang kapasidad ng ahensya.

Kinumpirma rin ni Poe na nagkasundo rin ang bicam panel na panatilihin ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa ilalim ng 2025 General Appropriations Bill (GAB).

Subalit mula sa ₱39 billion ay bumaba sa humigit kumulang P26 billion ang pondo ng AKAP.

Sa nasabing halaga, ₱21 billion ang sa Kamara habang P5 billion sa Senado na nangangahulugan na mayroon na ring access sa AKAP funds ang mga senador.

Tiniyak naman ni Poe na nilinaw na nila ang guidelines sa ilalim ng AKAP kung saan ang mga makakatanggap ng tulong na ito ay mga mas mababa pa sa minimum wage earners na apektado ng mga sitwasyon tulad ng inflation. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author