dzme1530.ph

Petition for habeas corpus para mapauwi si FPRRD, hindi na uubra, ayon sa counsel ng dating pangulo

Loading

Posibleng hindi na umubra ang petition for writ of habeas corpus na inihain ni Veronica “Kitty” Duterte para mapauwi sa Pilipinas ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito, ayon kay Atty. Silvestre Bello III, legal counsel ng dating chief executive, ay dahil inilipad na palabas ng bansa ang kanyang kliyente.

Idinagdag ng dating cabinet official na ang petisyon ay may kasamang prayer for a temporary restraining order para sana mapigilan ang pagkuha sa dating pangulo.

Ang problema lamang aniya ay hindi na nahintay ang petisyon at wala namang naging aksyon ang Supreme Court.

Alas-11 kagabi nang lumipad ang chartered flight na sinakyan ni dating Pangulong Duterte patungong The Hague, Netherlands matapos ipa-aresto ng International Criminal Court sa kasong crimes against humanity bunsod ng madugong war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon.

About The Author