dzme1530.ph

PERSONAL DATA NG MGA PASAHERO, HINDI NADAMAY SA CYBER ATTACK SA AIR ASIA

Hindi nadamay ang mga datos at impormasyon ng mga Pinoy na pasahero sa napaulat na Cyber Attack sa Malaysian low-cost carrier na Air Asia.

Ayon sa National Privacy Commission, nag sumite na ang Air Asia Philippines ng Breach Notification sa NPC Data Breach Notification Management System.

Lumabas umano sa initial findings na hindi nadamay ang data ng mga pinoy sa data breach.

Tiniyak din mismo ng Air Asia Philippines na hindi nakompromiso ang sensitibong mga impormasyon ng kanilang guests tulad ng passwords at financial information.
Kasabay nito’y sinabi ng Air Asia na nananatili silang “Business As Usual”.

Matatandaang iniulat ng Malaysian news outlets ang umanoy ransomware attack sa Air asia na nakaapekto sa Personal Data ng limang milyong pasahero at empleyado.

About The Author