Sa kabila ng ilang mga insidente, tiniyak ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na “manageable” pa ang sitwasyon sa ilang election areas of concern.
Sa news conference, sinabi ni Acorda na naobserbahan ang “peace and order” sa ilang lugar na nasa ilalim ng kontrol ng Comelec, na kinabibilangan ng Negros Oriental at Libon, Albay.
Inihayag din ni Acorda na nananatiling naka-high alert ang kanilang pwersa sa iba pang mga lugar na mayroong security concerns.
Sa tala ng PNP, kabuuang 169 ang napaulat na insidente ng karahasan na hinihinalang may kaugnayan sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Tatlumpu’t isa lamang dito ang kumpirmadong may kinalaman sa halalan, 94 ang walang kaugnayan, habang 44 ang isinasailalim pa sa balidasyon. —sa panulat ni Lea Soriano