dzme1530.ph

PCO, makikipagtulungan sa Marina para sa communication plan ng 10-year MIDP

Makikipagtulungan ang Presidential Communications Office sa Maritime Industry Authority (MARINA) para sa pagpapalaganap ng impormasyon kaugnay ng 10-year Maritime Industry Development Plan 2028.

Sa Executive Order no. 55, inoobliga ang MARINA na magkaroon ng koordinasyon sa PCO sa implementasyon ng communication plan.

Samantala, inatasan din ang MARINA na mag-sumite ng progress report sa Office of the President sa susunod na anim na buwan at sa bawat taon, kaugnay ng status ng MIDP.

Ang report ay maglalaman ng annual targets, accomplishments, at datos sa paggamit ng budget sa bawat programa.

About The Author