dzme1530.ph

PCG, nagbigay ng supplies sa mga mangingisdang Pinoy sa WPS

Nagpadala ng supplies ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga mangingisdang Pinoy na matagal na pumapalaot sa West Philippine Sea.

Nag-abot ng supplies ang BRP Sindangan at BRP Cabra sa mga tripulante ng FB John Jerry at FB Maricris and Tessie.

Tumanggap ang crew ng FB John Jerry ng food packs at inuming tubig dahil isang linggo na silang nangingisda sa lugar.

Namahagi rin ang PCG ng mga pagkain sa mga tripulante ng FB Maricris and Tessie na isang buwan nang nasa laot, pati na gamot para sa isang nasugatang mangingisda.

About The Author